Ang Viva Films ang namamayani ngayong Metro Manila Film Festival 2019 dahil sila ang producer ng Miracle in Cell No. 7 at co-producer naman ng Star Cinema sa The Mall The Merrier.
Nakikinita na namin na habang nagtatanungan ang lahat kung sino ang number 1 sa MMFF 2019 ay ang ganda-ganda naman ng ngiti ng Viva bosses na sina Vic at Vincent del Rosario at feeling nga namin ay maganda pa ang kuwentuhan nila habang umiinom sila ng wine.
At mukhang tuloy pa ang suwerte ng Viva Films ngayong 2020 dahil bukod sa extended tiyak ang Miracle in Cell No. 7 at The Mall The Merrier ay papasok naman ang pelikulang sila ang distributor, ang MIA na pelikula nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman na idinirek ni Veronica Velasco.
Si Chris Cahilig ang producer ng MIA at nagpapasalamat siya dahil ilang araw palang niyang pinost ang trailer ng pelikula ay umabot na kaagad sa 6M views at mapapanood na ito sa mga sinehan sa Enero 15.
At dahil simula ng bagong dekada ang 2020 ay may ‘palibre’ na kaagad ang Insight 360 Films para sa lahat ng babaeng may pangalang MIA.
Ang post ni Chris sa kanyang Facebook page, “MIA” BA ANGPANGALANMO? Kung kapangalan mo si “Mia,” may chance kang dumalo nang LIBRE sa National Mia Day na kung saan may special screening ng aming pelikula starring Coleen Garcia and Edgar Allan Guzman. Gaganapin ito ngayong January 13, 2020 sa Cinema 1 ng SM Megamall.
PM us para malaman kung paano ka makakakuha ng libreng ticket sa “National Mia Day!”
Or puwedeng mag-register sa Facebook page ng MIA at sa mga transgender or mga kafatid na ang pangalan din ay MIA ay welcome din kayo basta’t may pruweba kayong ginagamit ninyo ang pangalan.
Anyway, napanood namin ang trailer ng MIA at interesting ang kuwento ng karakter ni Coleen, bago ito sa paningin namin. Sino at ano ng aba ang kuwento ni MIA?
-REGGEE BONOAN