Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng Malacañang nitong Martes, Agosto 18, inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements sa National Capital Region (NCR) at sa mga sumusunod na lalawigan sa Agosto 19, 2026:
National Capital Region (NCR)
Abra
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales
Batangas
Cavite
Laguna
Rizal
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Samantala, maliban na lamang kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executives, ipatutupad din sa mga nabanggit na lugar ang alternative learning modes para sa mga klase at iba pang learning continuity measures sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Anila pa, magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Para naman sa pribadong sektor, nakasalalay sa pamunuan ng bawat kumpanya o tanggapan ang pagpapasya kung magsususpinde ng trabaho o magpapatupad ng alternative work arrangements.
Kaugnay pa rin ito sa patuloy na pag-ulan bunsod ng southwest monsoon o habagat, na nagdudulot ng mga pagbaha sa kalsada at lugar.