“Hopefully this is not #Wifezilla pranking me and going too far!”

solenn at Nico

Ito ang nakakaaliw na Instagram post ni Nico Bolzico ilang sandali bago isilang ng misis niyang si Solenn Heusaff ang kanilang baby girl, nitong Miyerkules.

Sa St. Luke’s Medical Center na sinalubong ng new parents ang Bagong Taon kasabay ng inaasam-asam na masisilayan sa unang pagkakataon ang kanilang little angel na Thylane Katana.

Tsika at Intriga

'Anyare sa mukha?' Yassi Pressman, hindi nakilala sa sariling TikTok video

“Advance Happy New Year! Looks like we are spending it in an unexpected place this time! Waiting for #BabyBolz!,” bahagi ng IG post ni Nico.

Para kay Solenn ito ang pinakamagandang pagsalubong nila sa bagong taon.

“01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana,” paskil naman ni Solenn sa kanyang IG account para kumpirmahin ang kanyang pagsilang niya sa kanilang unang supling.

Kamakailan lamang ay nag-post pa si Solenn ng kanyang Argentinean inspired maternity shoot. “The last hoorah before i meet you. #BabyBolz,” caption niya sa post nitong Linggo.

Ikinasal sina Solenn at Nico noong Mayo 2016 sa Eglise Notre Dame sa Combourg, France. Una nilang ipinahayag ang pagbubuntis ni Solenn nitong Agosto.

-Chel Quitayen