Many hearts are broken twice this 2020 … all because Miko Raval is now engaged!

Miko at kaira

Sumikat nang husto si Miko sa teleseryeng The Killer Bride kung saan gumaganp siya bilang si Fabio Serrano, ang lalaking lubos na nagmamahal at tagapagligtas ng karakter ni Maja Salvador.

Tinawag siyang Papa Fabio ng fans ng teleserye dahil siya ang tumatayong loving and protective father ni Emma, na ginagampanan naman ni Janella Salvador.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Wish ng lahat ay maging happy family sila sa nalalapit na pagtatapos ng serye ngunit marami ang nagulat at lumuha dahil sa December 31 episode ng serye ay namatay si Fabio sa mga kamay ng “killer groom” na ginaganpaman ni Precious Lara Quigaman.

At hindi pa nga nakaka-move on ang Papa Fabio fanatics ay heto at ipinahayag ni Miko sa kanyang IG ang engagement niya sa kanyang long time girlfriend.

Sorry, girls but your man is inlove with only one lucky girl – si Kaira Dimatulac.

Nagpropose si Miko kay Kaira habang nasa biyahe sila sa Wondaeri, Chagang-Do, South Korea sa huling araw ng 2019.

“Found myself a real ‘killer’ bride,” isinulat ni Mico sa caption ng litrato ni Dimatulac tinatanggap ang kanyang proposal at ibinahagi niya sa Instagram. “No words are enough to describe how our journey has been the past 7 years.”

Idinagdag niya: “She’s played a big part why I became ‘Papa Fabio,’ she was there from day one supporting me when all I had was dreams, she was there during my hard times. She’s my ride or die. My best friend, my everything.”

-Chel Quitayen