MAPALAKAS ang grassroots development program ang target ni bowling great at ngayo’y Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Sotto, nais niyang muling maibalik ang pananabik ng mga manonood sa bowling kung kaya naman sa pamamagutan ng isang grassroots development program ay muling huhubog ng mga manlalaro.

“Magkakaroon tayo ng grassroots developments sa bowling. Marami tayong magaling na player, hindi lang nakakapaglaro ng mabuti,” ayon kay Sotto sa isang panayam.

Aniya, napapanahon na muling ibalik ang antas at kalidad ng galing ng Pinoy sa bowling.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“I’ve already discussed this with the leadership of the Bowling Federation, also with Bong, Paeng, si Stephen Hontiveros. We’re getting a one-hectare property in the New Clark City and we will be building a bowling complex — a Tenpin Bowling complex that will be of international standards and world class,”pahayag ni Sotto.

Makikipagpulong si Sotto sa pamunuan ng PBF at ng New Clark City sa Pebrero.

“We’ll be sitting down with the people concerned by about February next year. Pati design pag-uusapan namin,” aniya.

-Annie Abad