MUKHANG nakabuti ang pagho-host ng Pilipinas sa katatapos na South East Asian (SEA) Games, dahil sa susunod na taon, gagawin na sa bansa ang “24th Asian TV Awards” or ATA.

Mystified Sangre Prod

Ang Pilipinas nga ang magiging host country at gaganapin ang “24th Asian TV Awards” sa Newport Performing Arts Theatre sa Pasay City sa January 10, 2020. Ang 3-day event ay tatagal mula January 10 to January 12, 2020.

Dadalo sa awards night ang mga sikat na mga personalidad at TV executives sa iba’ibang bansa sa Asia. Ang TV 5 at Cignal TV ang media partners ng 24th Asian TV Awards na dating ginaganap sa Singapore taun-taon.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Naimbitahang maging presenter sa gabi ng parangal ang mga lead stars ng Mystified na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri. Nominated din ang “Mystified” sa Best Digital Program Series, Best Single Drama, Best Theme Song para sa Simula na inawit ni Karylle at Best Direction naman si Mark Reyes.

Nominated ding Best Actor si Martin del Rosario as Best Leading Male Performance sa Born Beautiful na nominated din sa Best Digital Drama series. Best Actress in a leading role si Julie Anne San Jose sa Barangay 143 at best Director for Fiction nomination si Jyotirmoy.

Naging host na sa “Asian Television Awards” si Multi Media Star Alden Richards. kasama ang ibang hosts ng Asian countries na ginanap noon sa Singapore.

-Nora V. Calderon