PATAS ang laban. Walang tulak-kabigin.

ASAHAN ang mas mahigpit at sakitang tagpo sa Game 3 ng PBA semifinals sa pagitan ng Ginebra Kings at NorthPort Batang Pier. (RIO DELUVIO)

ASAHAN ang mas mahigpit at sakitang tagpo sa Game 3 ng PBA semifinals sa pagitan ng Ginebra Kings at NorthPort Batang Pier. (RIO DELUVIO)

Unahan para sa krusyal na bentahe ang target ng Northport Batang Pier at Barangay Ginebra Kings sa pagtulos ng Game 3 ng 2019 PBA Governors Cup best-of-5 semifinals Mag-uunahang makakuha ng bentahe na maglalapit sa inaasam nilang isang upuan sa kampeonato ang Northport at ang Barangay Ginebra sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Game 3 ng kanilang 2019 PBA Governors Cup best-of-5 semifinals series sa Araneta Coliseum.

Ganap na 7:00 ngayong gabi magaganap ang paghihiwalay ng landas ng ng Batang Pier at ng Kings na kasalukuyang tambla sa 1-1.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Bumawi ang Kings sa natamong 34 puntos na kabiguan sa Game 1 nang igupo nila ang Batang Pier, 113-88, sa Game 2 nitong Lunes.

Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na tila may hangover pa siya sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa katatapos na 30th SEA Games.

Ngunit, ngayong nakabawi na, umaasa silang magtutuluy-tuloy na ito hanggang sa muling makabalik ng kampeonato.

“We had a tough time (recovering from the hangover). But this is a lot better. We believe in ourselves. Hopefully, we can use this win going to Game Three,” sambit ni Cone.

Sa kabilang dako, inaasahan namang hahanap ng paraan at ng kaukulang adjustment ang Batang Pier upang makabangon.

Isa sa kinakailangan nilang gawin ay hanapan ng butas ang depensa ng Kings partikular sa import nilang si Michael Qualls na nalimitahan sa 20 puntos mula sa kanyang 38 puntos na Game 1 output.

Mismong si Qualls ay nangakong sisikapin na muling pamunuan ang koponan para muling makamit ang tagumpay.

“The team depends on me to score. I have to score the ball to put us into a better situation. And then everybody else will follow suit,” ani Qualls. “I have to play with more energy. I just got to be a leader.”

-Marivic Awitan

Laro ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 N.G. -- Northport vs Ginebra