HINDI pinahiya ng San Miguel-Alab Pilipinas ang home crowd sa impresibong 90-83 panalo laban sa Singapore Slingers nitong Linggo sa 10th Asean Basketball League sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa unang pagkakataon ngayong season na naglaro ang Beermen sa home court, kaagad na rumatsada ang Pinoy squad para sa maiposte ang 40-24 run sa final period tungo sa ikalawang sunod na panalo sa huling tatlong laro.
Hataw si Khalif Wyatt ng 20 sa kanyang kabuuang 28 puntos sa fourth quarter kabilang na ang limang triples na may kasamang anim na rebounds at apat na assists habang tumulong din ng 12 puntos, 11 rebounds, isang assist, isang steal at dalawang blocks ang baguhang 7’5 import na si Sam Deguara.
Sa pangunguna ni Wyatt, binura ng Alab Pilipinas ang 55-65 deficit at binawi ang kalamangan, 71-67, mahigit 4:40 minutos na lamang ang nalalabi sa laro.
Tumapos sina Jordan Heading at Nick King ng tig-10 puntos para sa tropa ni coach Jimmy Alapag na unang natalo sa mga kamay ng Mono Vampire, 76-111, noong Nobyembre 17. Ang unang panalo sa koponan ni Alapag ay sa Macau Wolf Warriors, 114-110 via overtime noong Nobyembre 27.
“It’s a nice win. I hope we can sustain our winning form,” pahayag ni coach Alapag.
Hangad ngayon ni Alapag na bumawi kontra sa Mono Vampire sa kanilang
ikalawang sunod na home game ngayong araw sa alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Ang Thailand team ay ang tanging koponan sa 10-team home-and-away
league na hindi pa nakatikim ng talo sa tatlong laro.
Iskor:
Alab Pilipinas (90) -- Wyatt 28, Deguara 12, King 10, Heading 10,
Brickman 9, Ganuelas-Rosser 9, Vigil 7, Gray 3, Domingo 2, Caracut 0.
Singapore Slingers (83) -- Alexander 26, McClain 25, Gih 12, Elliott
11, Lim 6, Kwek 3, Raj 0, Oh 0.
Quarterscores: 12-16, 35-36, 50-59, 90-83.
Laro Ngayon
(FilOil Flying V Center, San Juan City)
4:00 p.m. – San Miguel-Alab Pilipinas vs. Thailand Mono Vampire