MAKABAWI sa natamong 34-puntos na kabiguan ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra upang maitabla ang best-of-5 semifinals series kontra Northport sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2019 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 7:00 ng gabi ang Game 2 ng Kings at ng Batang Pier na magtatangka namang makakuha ng 2-0 bentahe sa serye kasunod ng 124-90 panalo nila noong Game 1.

Bilang huli at pangwalong koponang pumasok sa nakaraang playoffs, wala umanong malaking pressure sa kampo ng Batang Pier.

Gayunman, hindi nila sasayangin ang pagkakataon at gagawin ang kanilang makakayanan upang umabot ng finals.

Coach Topex, umalma matapos daw tawaging ‘iskwater’ sa komosyon nila ng UP

“There’s no real pressure, we just wanna come out and play as hard as we can and then we’re gonna live with the results,” pahayag ni Northport import Michael Qualls kasabay ang pangakong ibibigay ang dapat nyang ibigay sa kanilang team upang magtuluy-tuloy sa pag-abot nila ng tagumpay.

“I’m just trying to keep it rolling, stay proving myself, stay true to me and to the team. I know I gotta give what I gotta give to the team just to keep going.”

“We don’t wanna stop here. We didn’t just wanna settle making the playoffs, we didn’t wanna settle for making to the quarters, we’re trying to go the whole way. It’s game by game,”aniya.

Sa panig naman ng Kings, inamin ni coach Tim Cone na nagkulang sila sa preparasyon sa pagsabak noong Game 1 kaya naman nangako silang babawi sa susunod na laban

“I think just a lack of preparation. We didn’t prepare as well as we could have,” ani Cone na itinangging ang naging pagod sa nakaraang Southeast Asian Games ang dahilan ng kanilang kabiguan.

“They beat us in all facets of the game. We gotta come back better the next time,” aniya.

Nanguna si import Michael Qualls sa NorthPort sa naiskor na 38 puntos.

Nanaindigan naman si Batang Pier head coach Pido Jarencio na bentahe ng Batang Pier ang pagiging dehado.

“We caught Ginebra on their off night. Ang haba din kasi ng break. Kami naman, medyo mas gutom. Tonight, we had a well-executed game plan especially defensively. I commend my coaching staff.”

Iskor:

NorthPort (124) – Qualls 38, Lanete 24, Standhardinger 16, Mercado 14, Anthony 11, Escoto 7, Taha 5, Elorde 5, Cruz 2, King 2.

Barangay Ginebra (90) – Brownlee 24, Pringle 21, Chan 8, J. Aguilar 8, Thompson 7, Dillinger 5, Dela Cruz 4, Slaughter 4, Mariano 4, Tenorio 3, Caperal 2, Sargent 0, Devance 0, Caguioa 0.

Quarters: 20-22; 51-39; 78-68; 124-90.

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Ginebra vs Northport