ISANG malalaking pasasalamat at bonggang anniversary treat ang handog ng iWant sa unang anibersaryo ng relaunch nito dahil libreng mapapanood ang Pinoy movies sa streaming service ngayong Kapaskuhan.
Sampung iba-ibang pelikula kada linggo ang maaaring i-stream ng iWant users hanggang Enero 5, 2020 sa iWant, na muling inilunsad bilang isang bagong streaming platform noong Nobyembre 2018.
Umabot na sa 165M monthly views ng IWant kaya mas lalong ginaganahan ang lahat ng content provider na gumawa.
Sunod-sunod nang panoorin ngayong linggo (Disyembre 9 hanggang 15) ang Labs Kita, Okey Ka Lang? Milan, Dubai, The Day After Valentine’s, Kita Kita, Don’t Give Up On Us, The Significant Other, Forevermore, My Perfect You, at Till My Heartaches End.
Maaari na ring planuhin ng magbabarkada at pamilya ang kanilang movie marathon mula Disyembre 16 hanggang 22, kasama ang mga pelikulang Never Not Love You, Sid & Aya: Not a Love Story, Last Night, Baka Bukas, The Unmarried Wife, Kasal, Dear Other Self, Love You to the Stars and Back, Revolution: The JaDine Concert, at Loving in Tandem.
Ang iWant ang may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy movies, shows, at live events, at naglalabas ng original movies at series kada buwan mula nang i-relaunch ito noong Nobyembre 2018 – patunay na unti-unti nitong binabago ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpo-produs ng digital content.
Manood na ng free premium movies sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph hanggang Enero 5, 2020.
-Reggee Bonoan