Hindi pinalagpas at game na game na isa-isang sinagot ni Divine Diva at aktres na si Zsa Zsa Padilla ang mga netizen na bumwelta sa kaniya, matapos niyang i-post sa X niya ang naging karanasan habang nasa airport habang naghihintay ng boarding niya sa kaniyang flight.
Sa X post ni Zsa Zsa noong Martes, Agosto 18, naikuwento niyang dalawang airport employees daw ang medyo malakas yata ang pag-uusap sa isa't isa, at dinig na dinig daw ito ni Zsa Zsa na may noise reduction headsets na.
Sinita raw niya ang dalawang kawani at humingi naman daw ng dispensa sa kaniya. Dito na iginiit ng singer-actress ang tungkol sa work ethics.
"I’m seated getting ready to board for my flight and two airport employees are talking beside each other. I can hear them talking even though I’m wearing my noise reduction headsets. I kept checking if they were on or off," saad ni Zsa Zsa.
"Anyway, while typing this I had to tell them I could hear them. Nag sorry naman. Sana matuto na din tayong mga Pinoy na may ethics sa work. Ako din guilty sa ganyan and I catch myself talking too loud sa katabi ko," dagdag pa niya.
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga sumang-ayon sa kaniya, pero marami rin naman ang sumita.
Bagay na hindi naman pinalagpas ni Zsa Zsa at isa-isang sinagot.
Banat ng isang netizen sa kaniya, "Let's be kinder. These employees were probably tired from work, chatting once in a while, maybe should be allowed. Anyway, they work in a public airport, not in a library or a private mission. It happens to most workers while at work."
Sagot naman ni Zsa Zsa, "It’s not unkind to remind people to keep it down. Pwede naman mag usap. Wag lang magsigawan na halos eh magkatabi lang."
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Buwelta naman ng isa, "Mam ikaw na ang may sabi guilty ka rin, why don’t you educate yourself first?"
"I do! And that’s why I’m reminding people to keep it down lalo na work mode dapat," anang singer-actress.
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Sey pa ng isa, "Do yourself a favor and get some high-end Bose noise-canceling earbuds. They’re built to block out even plane engines, so they *might* just save you from this."
"The point is I was wearing noise cancelling headsets and I could still hear them so loud," paliwanag niya.
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Hirit naman ng isa, "Duh. Eh di sana nag private airplane ka sis hahaha charot."
Tugon ni Sashing, "Sa lobby eto ng economy. Hindi naman dapat ganun ang pakikipag usap sa katabi. Lalo na kung duon ka nag work. Sa ibang bayan, sa lounge na mismo pinagsasabihan kang mag head set."
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Talak naman ng isa, hindi raw niya maintindihan ang isyu at para bang sinasabi ni Zsa Zsa na bawal nang mag-usap.
Pero paliwanag niya, "The issue was they were beside each other but practically shouting and my noise cancellation was on and I could still hear them. I did tell them to talk a little lower and they apologized."
Tinatawag na work ethics ang kolektibong moral na prinsipyo, magandang asal, at pagpapahalaga na nag-aabot ng gabay sa kilos at ugali ng isang tao sa kaniyang propesyonal na kapaligiran.
Sinasalamin nito kung paano seryosohin, pahalagahan, at gampanan ng isang empleyado ang mga tungkulin at pakikipagkapwa-tao sa trabaho.
Iba-iba ang etiquette na dapat ipakita ng mga empleyado sa trabaho, lalo na sa kaniyang mga boss, katrabaho, at lalo na sa mga customer o kliyente, lalo na kung pagbibigay ng serbisyo ang nature of work.