SA pagpapatuloy ng 15th anniversary celebration ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo (December 8), lilipad ang KMJS team papunta sa bansang makailang ulit itinuring na Happiest Country in the World ng United Nations World Happiness Report— ang Denmark! Samahan si Jessica Soho at alamin kung paano magdiwang ng Pasko ang mga Danish at kung bakit itinuturing sila bilang isa sa pinakamasasaya sa buong mundo.
Papasyalan din ng KMJS ang kanilang tourist spots tulad ng Little Mermaid Statue at Lego House, at lilibutin ang Copenhagen sakay ng pangunahin nilang transportasyon – ang bisikleta. At syempre, hindi palalagpasin ng KMJS ang pag-akyat sa pagkataas-taas at paikot-ikot na Spiral Tower!
Masisilayan din, sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine television, ang hinirang ng mga travel publications bilang Top Travel Destination ngayong 2019— ang tagong paraiso ng Faroe Islands. Ang nakagugulat, daan-daang Pilipina na pala ang nakapangasawa rito ng mga Faroese. At para dalhin ang Paskong Pinoy sa Faroe, magluluto sila ng classic bibingka na ipatitikim nila sa kani-kanilang mga asawa.
At bago tuluyang umuwi ng Pilipinas, stop over muna sa Istanbul, Turkey para maka-experience ng cruise, magshopping sa kanilang Grand Bazaar, at mag-food trip!
Abangan l aha t ng i t o s a “Lumipad ang Aming Team” special ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 8:40 p.m, pagkatapos ng The Clash.