Aminado si Sen. Risa Hontiveros na patuloy niyang tinatrabaho ang kaniyang balak na tumakbo bilang Presidente sa 2028.
Sa press conference nitong Sabado, Agosto 22, iginiit niyang ginagawa niya ang lahat upang siya raw ang mapiling kandidato ng kanilang mga kaalyado.
“I am preparing very hard, working very hard para maging yung pipiliin nung hanay namin as the strongest possible candidate sa 2028,” ani Hontiveros.
Dagdag pa niya, “Kung lumabas na ako yung pinakamalakas na pwedeng kumandidato mula sa hanay namin, then kakausapin ko yung mga kaalyado.”
Paliwanag pa ng senadora, “Importante na isang lang. Let's unite para may fighting chancee tayo [para] we can make the best offer sa ating mga kababayan.”
MAKI-BALITA: Sen. Risa, bukas maging standard bearer ng oposisyon sa 2028
Ayon kay Hontiveros, mahalaga ang pagkakaisa upang maiharap sa mga botante ang pinakamalakas na posibleng pagpipilian at magkaroon ng mas malaking tsansa ang kanilang hanay na manalo sa halalan.
Gayunman, wala pa siyang pinal na deklarasyon na tatakbo siya bilang pangulo sa 2028, at nakadepende pa rin umano ang magiging hakbang sa kung sino ang mapipili ng kanilang mga kaalyado bilang pinakamalakas na pambato.
Sa ngayon, patuloy namang nakatutok ang senadora sa kaniyang mga tungkulin habang inihahanda ang sarili para sa posibilidad ng mas mataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na halalan.