August 22, 2026

Home BALITA Metro

Bahagi ng Congressional Avenue, pansamantalang isasara sa Agosto 23–QC LGU

Bahagi ng Congressional Avenue, pansamantalang isasara sa Agosto 23–QC LGU
Photo courtesy: Santi San Juan (MB)

Pansamantalang isasara ng Quezon City local government unit (LGU) ang bahagi ng Congressional Avenue sa pagitan ng Visayas at Luzon Avenue sa Linggo, Agosto 23 kasunod ng isasagawang National Youth Day Fun Run bilang pagdiriwang ng National Youth Day. 

Sa inilabas na traffic advisory ng QC LGU noong Biyernes, Agosto 21, inanunsyo nilang magsisimula ang pagsasara ng kalsada simula 3:00 AM hanggang 6:00 AM. 

Upang matiyak na mananatiling maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar, tiniyak ng QC LGU na magtutulungang nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa mga oras ng pagsasarado sa Congressional Avenue, pinapayuhan ng QC LGU ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. 

Samantala, ang National Youth Day Fun Run ay inorganisa ng tanggapan ni District 6 Rep. Ma. Victoria Co-Pilar.

Metro

Paslit na iigib lang sana ng tubig sa ilog, nalunod!

Layon nitong isulong ang kapakanan ng kabataan, palawakin ang kamalayan ng publiko sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEX), at hikayatin ang mga komunidad na pangalagaan ang kalikasan.