Aminado ang pinakasikat na mayor sa buong Pilipinas na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na isang malaking utang na loob ang tinatanaw niya sa mundo ng showbiz.

Claudine mAYOR ISKO

Kung hindi lang daw dahil sa naging artista siya ay hindi niya naisipang pasukin ang pulitika. Pero inaamin ni Yorme na dahil na rin sa kanyang sariling sikap at naging puhunan niya ang pagiging totoo sa mga taga-Maynila kung kaya naging alkalde siya ngayon ng kabisera ng bansa.

“Sa showbiz eh, alam n’yo naman ang mga pinagdaanan ko, kaliwa’t kanang intriga at mula nang napasok tayo sa That’s Entertainment ni Kuya Germs at hanggang sa naging “Seiko Jewel” tayo eh, lahat noon, eh, tinatanaw ko ng utang na loob,” sey ni Mayor Isko.

Dagdag pa rin ni Yorme na pati ang usong-uso na pagkaroon ng ka love team,eh, napasama na rin naman siya. Naging ka loveteam niya ang dating child actress noon na si Bamba Leelin.

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

“Hindi ko rin naman itinanggi na naging girlfriend ko si Bamba, Medyo tumagal din ang samahan namin sa That’s…. Those were the things in the past. Kasi kami ang partners, magka-batch pa kami,” balik-tanaw pa rin ni Mayor Isko.

Nagkaroon din naman ng sariling hukbo ng tagahanga ang tambalang Isko at Bamba. At wala raw naman silang problema sa isa’t isa dahil pati mga kaibigan at kamag-anak ni Bamba ay malapit din sa kanya.

Pero nang naging contract star si Mayor Isko ng Sieko Films ay si Claudine Barretto naman ang naging ka love team niya. Ibang- iba raw ito sa samahan nila ni Bamba dahil kung ang huli ay naging kasintahan niya ay hindi raw sila nagkarelasyon ni Claudine taliwas sa mga nasusulat.

Hindi raw naman yun sa dahilang hindi boto sa kanya ang mga magulang ni Claudine kungdi wala raw naramdaman ang actor politician sa pinakabatang Barretto.

“Well, she’s beautiful. Pero hindi kami nagkarelasyon. Parang hindi rin nila ako gusto na maka-partner ng anak nila, kasi sa totoo lang, eh, sino ba ang isang Isko Moreno noon, I’m nobody and nag-uumpisa pa lang ako noon,” banggit pa rin ni Mayor Isko

-JIMI C. ESCALA