MARAMING nagsasabi na papalaos na raw ang career ni Julia Barretto matapos lumabas ang survey ng kanyang MMK episode sa Kapamilya network last Saturday, December 30, kung saan pinataob siya ng kalabang drama anthology, ang Magpakailanman ng GMA-7.

Si Julia ang bida sa episode na ito ng MMK, at si Herlene Budol na mas kilalang si Hipon Girl ng Wowowin ang katapat niya sa Magpakailanman.
Ang Wowowin host na si Hipon Girl sa “Dubai and I” episode ng Magpakailanman ay nakakuha ng 10.9% ayon sa AGB NUTAM.
Nasa 8.1% naman ang nakuha ng MMK episode ni Julia.
Samantala, ang huling pelikula ni Julia ng Star Cinema halos dalawang buwan nang naipalabas nationwide ay naging flopsina rin sa takilya. Wala pa ring teleseryeng ibinibigay sa kanya ang ABS-CBN hanggang sa ngayon.
Matatandaang naging nega ang imahe ng aktres nang makisali sa talakan ng kanyang mga Auntie Gretchen at Claudine, kasama ang mommy nitong si Marjorie sa mismong burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto, halos isang buwan lamang ang nakakalipas. Tumatak sa mga netizens ang ‘di pagrespeto ni Julia sa tiyahing si Claudine na itinuring pa naman niyang parang nanay. Dapat sana raw ay nanatiling tahimik si Julia dahil sa may pinoprotektahan siyang image. Hindi nangyari ito dahil nagpakita ito ng tunay na ugali sa panahong dapat sana’y nananahimik na lamang siya.
Sabi nga ng ilan naming mga followers, mahirap na raw makakabangon ang isang celebrity gaya ni Julia kabaligtaran ang ipinapakitang magandang imahe nito sa screen kaysa sa totoong buhay.
-ADOR V. SALUTA