Ngayong hapon, 5PM, gaganapin ang Miss Silka Philippines 2019 Coronation Night sa Market! Market! Activity Center, Taguig City kung saan magpapakitang gilas sa talent at question and answer portion ang 26 candidates na nagmula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Miss Silka candidatesMariz

Miss Silka candidates

Sa nakaraang media presentation ng Miss Silka Philippines 2019 ay hindi tinantanan sina Miss Baguio, at Miss Bulacan dahil sa mapangahas nilang sagot tungkol sa mga lalaking manliligaw nila na hindi naman pinangalanan dahil kasalukuyan silang nagwo-workshop sa Star Magic. Pero ayon kay Miss Bulacan ay mas focus muna siya sa career niya kaysa sa pagkakaroon ng lovelife.

Nagustuhan ang mga sagot nina Miss Cebu, Bicolandia, Palawan at GMAsa tanong kung paano nila inaalagaan ang sarili nila gamit ang Silka products at kung anu-ano ang insecurities nila sa buhay.

Relasyon at Hiwalayan

Nico Locco, final na raw ang pakikipaghiwalay kay Christine Bermas

Ano ng ba ang pagkakaiba ng Miss Silka Philippines sa ibang beauty contest.

Ayon sa Silka senior brand manager na si Ms Eunice Apple de Belen, “Miss Silka Philippines is not just about beauty and glamor, we’ve always promise the ‘alaga sa sarili o self-care for this year, 2019.

“Ibig sabihin, we want to focus on self-care, self-love, independence kasi importante na alagaan muna natin ang sarili natin before we can fully take good care of others like your love ones, advocacy and others di ba mayroon tayong kasabihan “we cannot give something that we do not have, so it has to start from ourselves from within and kapag punumpuno na tayo na you will see how much more ang maibibigay natin sa ibang tao.”

At sa 12 years na isinasagawa ang Miss Silka Philippines ay namumukod tanging ito lang ang beauty contest na may nauuwing consolation prizes ang non-winners sa halagang P6,000 sa 22 kandidata.

Ang tatanghaling Miss Silka Philippines 2019 ay tatanggap ng P150,000 at mga produkto ng Silka at may P100,000 worth of donations para sa chosen charity. Ang ibang mananalo, 1st runner-up 2019 – P100,000; 2nd runner-up – P70,000; 3rd runner-up P50,000.

Ang mga special awards, Miss Talent – P5,000; Best in Evening Gown – P5,000; Ms Swimwear – P5,000; Ms Photogenic – P5,000; Ms Juicy Cologne – P5,000; Ms Casual Wear – P5,000, Ms Congeniality at Popular Choice Award.

Ang singer/actress/host Yanah Laurel at Radio DJ DJ Sean Kyle ang host sa grand coronation night, special guest si Angelica Panganiban bilang bagong Silka Green Papaya Soap brand ambassadress at si Jason Dy naman ang haharana sa mga kandidata.

Ginanap naman ang Swimwear at talent competition sa URBN Bar, Timog Quezon City at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center nitong Nobyembre 27-28.

-Reggee Bonoan