MARAMI ang nagnanais na mapanalunang muli ng Pilipinas and pangkalahatang kampeonato ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1.
Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino posibleng maulit ng Team Philippines ang tagumpay ng huling mag-host ang bansa noong 2005na inisa-isa kung paano niya nasabing mananalo ang mga Pilipino. Sa kanyang pagtatantya, makukuha ng Pinoy ang karamohan sa kabuuang 530 gintong medalya sa 56 sports na paglalaban-labanan.
Batay sa report ng bawat opisyal ng National Sports Association (NSA) nangako umano ang mga ito na kayang magbawgi ng hindi baba sa dalawang gintong medalya.
“Kung ang lahat ng 56 na sport ay makapag-de-deliber ng tig-2 gintong medalya hanggang sa matapos ang palaro, makakaipon tayp ng 112 gold medal, kulang lamang ng isa sa napanalunan ng bansa noong 2005,” pahayag ni Tolentino sa kanyang pagbisita sa SCOOP sa TV.
“Hindi naman dalawang ginto lamang ang maaring maanalunan ng bawat sports, mayroon diyang medal-rich na NSA na puwedeng manalo ng 10, 12 o kahit 13, tulad ng athletics, Ang boksing kaya ang lima hanggang walo Ang iba puwede mahigit sa 10, so, doable talagang makuha kahit 2 o mahigit pa,” aniya
Ayon kay Tolentino, sa pagtataya niya, ang alinmang bansa ay puwedeng mag-overall champion kung makakasusungkit ito ng mula 130-hanggang 180 medalyang ginto.
At kaya ito ng Pilipinas, “lalo’t tayo ang host,” pagdidiin niya.
-Annie Abad