SINGAPORE – Pagkatapos ng tournament dito, tutulak ang Philippine water polo team patungong Japan para sa isang training camp.

Tututok ang Phiippine water polo team sa pagpapalakas ng defense sa training camp nito sa Japan.

Tututok ang Phiippine water polo team sa pagpapalakas ng defense sa training camp nito sa Japan.

Ito ang huling yugto ng paghahanda ng team para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas simula Nob. 30.

Inilahad ni Philippine Swimming Inc. (PSI) President Lani Velasco na inaayos na ang mga detalya para sa training camp, na magbibigay sa team ng tsansa na ayusin pa ang game nito, partikular ang defense.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

“It’s important for the national team, they’ll get to improve on several things before competition begins in the SEA Games,” sabi ni Velasco.

Sa New Clark City sa Tarlac lalaruin ang water polo sa SEA Games.

May dalawang panalo at dalawang talo ang Pilipinas sa katatapos lang na FINA Water Polo Challengers’ Cup dito. Tinalo ito ng Ireland 12-8 at Singapore 11-7, at nanalo sa Zimbabwe 18-2 at Malaysia 11-8, ang unang victory ng mga Filipinos laban sa matindi nitong karibal sa SEA Games sa huling walong taon.

Noong Linggo, tinalo ng Pilipinas ang Hong Kong 13-8 para tapusin ang torneo na 5th overall.

Tantya nina national team coaches Rey Galang at Dale Evangelista, kailangan pang palakasin ang depensa ng team kung nais nitong talunin ang Singapore, Indonesia, Malaysia at Thailand sa papasok na Games.

“From our pressing defense, to half court defense, and switching defense, all of these the team needs to improve. Our offense is not a problem, because we’re executing well and we just have to continue doing that,” sabi ni Galang.

Para naman kay Evangelista, isang dating defensive star ng national team, malaking tulong ang training camp sa Japan.

“We’ll have our counterparts from Japan help us on where to improve. Japan is one of the top defensive teams in the world. That’s how important this training camp in Japan is for the national team,” aniya.

“After training in the morning, the national team will have tune up games against pro teams there,” dagdag ni Evangelista.

Balak tuhugin ng team ang kaunaunahang water polo gold ng Pilipinas sa SEA Games. Ang pinakamalaking balakid ay Singapore, na naghahari sa huling 27 Games.

Nag-silver ang Pilipinas noong 2005, 2007 at 2009. Pero noong 2017, dumausdos ito sa fourth place.

Binubuo ang team nina Tani Gomez, Roy Cañete, Maui Gonzales, Mico Anota, Adan Gonzales, Romark Belo, Matthew Yu, Macgyver Reyes, Aljon Salonga, Paolo Serrano, Abnel Amiladjid, Mummar Alamara at Fil-Am Vince Sicat, ang natatanging rookie