Aliw ang ex-beauty queens na sina 2016 Binibining Pilipinas Universe, Maxine Medina a t 2016 Miss International, Kylie Versoza dahil sinisisi nila ang social media kaya lumaki ang isyung pandudura sa set ng seryeng Los Bastardos.

DIANNE, maxene, kylie

Kung hindi raw sana ito lumabas sa social media ay wala sanang isyu.

Naunang nasulat dito sa Balita na wala sa script ang pandudura ni Kylie kay Maxine sa eksenang nag-aaway sila sa teleseryeng Los Bastardos bagay na ikinasama o ikinagalit ng huli.

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Base sa panayam kay Ma x ine p a g k a t apo s ng #LBWalangSukuanmediacon nitong Miyerkules nang tanghali ay nabanggit niyang sa galit niya ay naikuwento niya ito sa ina sa patanong kung tama ang ginawa ni Kylie sa kanya dahil nga wala sa script ang nasabing panunura.

Nabanggit naman ng mama ni Maxine sa pinsan nitong TV host/actress na si Dianne Medina na kilala sa pagiging vocal at nag-post sa kanyang Facebook page ng, “Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls. Minsan lang ako status Girl, ‘wag ang pamilya ko.”

Ayon pa kay Maxine ay hindi niya kontrolado na ang nangyari matapos siyang maglabas ng sama ng loob sa ina.

Nakarating sa amin na si Kylie ang tukoy sa blind item ni Dianne kaya sinulat namin dito sa Balita kaagad.

Sa ginanap na finale presscon ng Los Bastardos ay nagpaliwanag si Kylie na nadala siya ng kanyang emosyon kaya niya nagawa at humingi naman na siya kaagad ng sorry kay Maxine pagkatapos mangyari ang eksena.

Pero klinaro naman ni Maxine na pagkalipas ng 4 days saka nag-sorry sa kanya sa Kylie at okay na sila ngayon.

Ang saktong pahayag ni Maxine sa mediacon, “Nag-sorry naman right after 4 days na nangyari ‘yung scene, so siguro kasi lesson na rin ito na before gawin ang eksena, let’s talk about it, para if ever na may mangyaring hindi kanais-nais, kailangan nating mag-sorry kaagad.”

Nabanggit pa ng pinsan ni Dianne na dapat bago gawin ang eksena ay pinag-uusapan muna, “naikuwento ko nga sa lahat na mayroon naman kami nito ni Ritz na sapakan sa Ipaglaban Mo, as in sampalan at sabunutan, pero pinag-isipan namin.”

Pinalalabas ni Maxine na hindi sila nagkausap ni Kylie bago gawin ang sampalan, sabunutan at pandudura kaya nagulat at sumama ang loob niya.

Sa madaling salita, okay na sina Maxine at Kylie, bati na sila at willing silang maka-trabaho ang isa’t isa sa mga susunod pang project. Magkaibigang tunay daw sila.

Ang tanong, alam ba ni Maxine na ipinagtanggol siya ng pinsan niyang si Dianne kaya nag-post siya? Ending ang TV host/actress pa ang may kasalanan ngayon kaya lumaki ang isyu?

At kung hindi dahil sa post na ito ni Dianne ay hindi aware si Kylie na masama ang loob ng kaibigan kaya humingi siya ng sorry pagkalipas nang apat na araw.

Bukod dito ay ang daming bashers ni Dianne dahil sa post niya. Nakisawsaw lang daw siya sa dalawang beauty queens dahil wala siyang career?

Sa mga hindi nakakaalam, araw-araw ay may programa si Dianne sa PTV4 at hindi totoong wala siyang career.

Ang ending, naiwan sa ere si Dianne dahil okay na sina Kylie at Maxine.

Ayaw din naming isipin na parte ng promo ang duraan thing sa nalalapit na pagtatapos ng Los Bastardos dahil inamin naman ng pangunahing aktor at boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca na dahil sa eksenang ‘yun ay umabot sa all-time high national TV rating na 20.3% base sa datos ng Kantar Media bukod sa mainit itong pinag-usapan sa online at nakalikom ng maraming views sa YouTube at iWant.

Anyway, ang nalalapit na pagtatapos ng Los Bastardos sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/ abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@ abscbnpr).

-Reggee Bonoan