TAPIK sa balikat ng Philippine Sports.

Ipinahayag ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara nitong Lune sang pagsuporta sa pagtatayo ng Philippine High School for Sports bilang ayuda sa panawagan na palakasin ang grassroots program ng atletang Pinoy.

BUO ang suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ni Senator Bong Go at Sports Consultant Dennis Uy (kaliwa) sa pagsasanay ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

BUO ang suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ni Senator Bong Go at Sports Consultant Dennis Uy (kaliwa) sa pagsasanay ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Muling isnulong Angara ang nabinbin na Senate Bill No. 330 o mas kilala bilang Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakatuon sa pagpapalawig ng kaalaman at pagpapaunland ng talento ng mga kabataan sa secondary.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“For a country that is crazy about sports in general, it has a shortage of elite athletes who can compete with the best in the world,” pahayag ni Angara.

May hiwalay ding Senate Resolution na isinumite si Senator Bong Gopara s apagbuo ng National Academy of Sports for High School (NASHS).

Ang Senate Bill No. 397 (NASHS) “will serve as the premier training center to develop the athletic skills and talents of high school students.”

Batay sa reslusyon ni Go, itatayo ito sa bagong develop na New Clark City sa Capas, Tarlac, na may pondong P150 million.

“Regalo natin ito sa ating mga atleta at mga kabataan. Kailangan natin maibalik ang pagiging sports powerhouse ng Pilipinas sa Asya,” sambit ng Senate Committee on Sports Chairman.