Yes madlang pipol, nagbunga na ang pagsisikap ng ngayon ay teenager nang si Bamboo B., na ilang workshops na sa iba’t ibang workshops school for acting ang pinasukan. Isa na rin siyang magaling na singer, in fairness.

Bamboo B

May upcoming na nga siyang teleserye project sa isang TV network na anytime as of this writing ay sisimulan na ang taping. Makakasama niya rito ang ang mga sikat na artista sa kasalukuyan pero hindi pa sila puwedeng pangalanan sa ngayon.

Salamat sa tiyaga at suportang ipinamalas ni Mommy Dearest ni Bamboo B. na si Josie Paynor na talaga namang napakahuwarang ina sa nag-iisa niyang anak.

Tsika at Intriga

Kris kumambyo, inedit post tungkol sa hiwalayan nila ng ex-jowang doktor

“Kailangan talaga ni Bamboo na mahasa muna sa acting workshops, sa pagharap sa camera, maging sa singing and dancing para kahit anong role ang ibigay sa kanya ay keri niyang gawin. Isa pa, hilig talaga niya ang maging artista at singer kaya bilang ina ay ibinibigay ko kung ano ang kanyang gustong maging goal sa buhay sa abot ng aking makakaya,” pahayag ni Mommy Josie.

Well, hindi naman nasayang ang pagsisikap ng mag-ina dahil sooner than soon ay mapapanood na sa telebisyon via teleserye si Bamboo B., na ang dinig namin ay sa ABS-CBN TV network unang sasabak dahil ilang beses na rin namang nag-workshop si Bamboo B. sa Star Magic. Saksi mismo ang eyes ni Yours Truly without shades, huh!

Well, good luck to you, Bamboo B. at sana nga ay magtuluy-tuloy na ang iyong pangarap na maging isang ganap na artista sa pelikula man o sa telebisyon.

Ayon nga sa kasabihan, “kapag may tiyaga, may nilaga.”

Boom, ‘yun na!

-MERCY LEJARDE