May video post si Aiko Melendez sa kanyang Facebook page na, “Mamaya na po after Daddy’s Gurl. Panoorin n’yo po @starstruckgma @gmapinoytv. Abangan sino ang mawawala! Double elimination ngayong gabi.”
Ang intindi namin ay dumaan sa acting workshop kay Aiko ang mga contestants ng StarStruck, ‘yun nga lang, puro sampal at pagtulak sa pool ang inabot nila kay Emilia Ardiente-Torillo na umingay ang karakter dahil sa seryeng Wildflower ni Maja Salvador.
Ito siguro ang pinagbasehan ni Aiko sa training na ginawa niya sa mga aspiring artists ng nasabing reality show.
Pero sabi naman ng aktres ay mataray din ang role niya sa bago niyang serye sa GMA 7, ang Prima Donna bilang si Kendra.
Samantala, maraming nagkomento sa nasabing video post kabilang na si Ogie Diaz: “Grabe ka dito, Aikes! ‘Yan ‘yung mga ‘di mo magawa sa tunay na buhay eh. Hahahaha!”
‘Yung iba naman ay halos iisa ang sinasabi na, “Go Aiko, sarap gigil, siya lang ang makakagawa.”
Ito ba ang sagot ni Aiko sa trending na si Daniella Mondragon (Dimples Romana) na nililibot ang buong Pilipinas dala ang maletang pula na nakasuot ng pulang damit din?
Ano kaya gagawin ni Aiko kapag nasalubong niya si Dani Girl?
Reggee Bonoan