Ganito inilarawan ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority (Marina) ang naganap na Recto Bank incident, noong Hunyo 9.

RECTO BANK

Taliwas ito sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “little maritime incident” lang ang pagbangga ng Chinese Vessel sa bangkang pangisda ng 22 mangingisdang Pinoy.

Sa 13-pahinang joint investigation report ng PCG at Marina, lumabas na nabigo ang barko ng China na gumawa ng paraan para maiwasang tamaan at palubugin ang bangka ng mga mangingisdang Pilipino na naka-angkla sa Recto Bank.

National

Mayor Baste, pinatikim ng mura si PBBM dahil sa mga tatay nila

Binanggit din sa report ang kabiguan ng Chinese Vessel na tulungan ang 22 mangingisda na inabandona pa sa gitna ng karagatan.

Sa PCG-Marina report, sa pamamagitan ng pag-atras at pagtigil 50 metro ang layo mula sa Gem-Ver 1 na noon ay may mga nakasinding ilaw, makukunsidera na alam ng barko ng China na nasa peligro ang bangka ng mga Pinoy.

-Beth Camia