SA isang episode ng Magandang Buhay kamakailan, nagpahayag ng labis-labis na pasasalamat ng ex-Pinoy Big Brother Otso teen housemate na si Seth Fedelin sa tuluy-tuloy na biyayang tinatamasa niya pagkatapos niyang ma-evict sa Bahay ni Kuya.

Seth

“Sobrang happy, kasi parang hindi ko ine-expect ‘yung ganon. ‘Yung makapasok nga lang sa Bahay ni Kuya hindi ko ine-expect po, tapos pinagkaloob pa sa akin ‘yung ganung blessing,” overwhelmed na sabi ni Seth.

Isa ring pagkakataon para sa teen housemate na papirmahin ng ABS-CBN contract at maging certified na ring Kapamilya.

Tsika at Intriga

Kris kumambyo, inedit post tungkol sa hiwalayan nila ng ex-jowang doktor

Kuwento ni Seth, ginawa niyang sorpresa sa kanyang mga magulang ang pagpirma niya ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong nakaraang buwan.

Pag-amin din niya, naging emosyonal siya nang malaman niya kung gaano naging proud sa kanya ang kanyang mga magulang.

“‘Yung maramdaman mo lahat ng sinakripisyo nila (magulang) sa iyo. ‘Yung parang lahat ng pinagdaanan namin, bumalik sa akin. Tapos ‘yun ‘yung parang—kaya andito ako ngayon, kausap kayo. ‘Yun ang nagmo-motivate sa akin kung bakit ko ginagawa ‘yung ganitong trabaho po,” emosyonal pang sabi ni Seth.

Kasama si Seth sa pinag-uusapang Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto, ang hapon-drama pagkatapos ng It’s Showtime.

Siya rin ang bumuo ng bagong barkada team na Gold Squad, kasama sina Francine Diaz, Kyle Echarri, at ang kaniyang bagong ka-love team na si Andrea Brillantes.

Samantala, sa parehong interview sa morning talk show ay ikinuwento ni Seth na plano niya noon maging sea man, kung hindi siya natuloy sa pag-aartista.

Sa ngayon, sinabi ni Seth na plano pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, na naudlot dahil sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.

Ador V. Saluta