July 28, 2026

Home BALITA

Sen. Robin, kakampi si Rizal sa pagsusulong ng federalismo—Sen. Alan

Sen. Robin, kakampi si Rizal sa pagsusulong ng federalismo—Sen. Alan
Photo Courtesy: Senate of the Philippines, Robin Padilla (FB), via MB

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pangangailangang magkaroon ng bagong local government code para sa decentralization. 

Matatandaang nauna nang sinabi ni Cayetano noong Linggo, Hulyo 26, na magsasagawa siya ng kontra-SONA.

Ang kontra-SONA ay isang matagal nang tradisyon sa Senado kung saan inilalahad ng lider ng minorya ang kaniyang pagsusuri at pagtutol sa mga pahayag ng Pangulo tungkol sa kalagayan ng bansa.

Maki-Balita: SONA o SANA? Sen. Alan Peter Cayetano, magsasagawa ng Kontra-SONA 

At sa ginanap ngang sesyon sa Senado nitong Martes, Hulyo 28, isang araw matapos ang ikalimang SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,

National

Sen. Imee sa suot na itim na outfit: 'Parang bansa natin, gutay-gutay'

Aniya, "Let's take a second look in having a new local government code giving more decentralization.”

“Actually, I will push the envelope dahil nakatingin sa akin si Robin Padilla na may kakampi siyang mabigat. Kakampi po niya si Dr. Jose Rizal na federalismo ang dapat sa Pilipinas,” dugtong pa ni Cayetano.

Ayon sa Senate Minority Leader, makakatulong umano sa Pilipinas ang pagbabago ng sistema. Ngunit hindi ito maisasakatuparan kung may problema ang demokrasya ng bansa.

Kilala si Padilla bilang tagapagtaguyod ng federalismo, partikular nang nangampanya siya bilang senador noong 2022 elections.

Sa ilalim ng federal na anyo ng pamahalaan, ang kapangyarihan mula sa national government ay mahahati patungo sa maliliit na estado o rehiyon para mas maging organisado ang pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng mga ito.