Nauwi sa biruan at saglit na tawanan ang pagbati ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kay Senate President Win Gatchalian bago sinimulan ng huli ang nakatakdang kontra-State of the Nation Address (kontra-SONA) sa Senado nitong Martes, Hulyo 28.
Sa kaniyang pambungad na mensahe, nagpasalamat si Cayetano sa speech ni Gatchalian noong Lunes, Hulyo 27, sa pagbubukas ng regular na sesyon bago naman ang naganap na SONA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Pasalamat naman ni Cayetano, salamat daw sa pagpapaalala sa kanila na "mag-settle down."
"May I also remind you to settle down since you're still single," natatawang saad ni Cayetano.
Agad namang sinagot ni Gatchalian ang biro ng kapwa senador.
“Mahirap yata yun, Minority Leader,” ani Gatchalian.
Hindi naman nagpahuli si Cayetano at mabilis na bumuwelta ng biro.
“Mahirap na masaya,” pakli naman ni Cayetano.
"Thank you Mr. President," saad pa ng lider ng minorya, hanggang sa tumuloy na nga sa paglalatag ng kaniyang kontra-SONA.
Matatandaang "shini-ship" ng mga netizen si Gatchalian kay Sen. Risa Hontiveros at tinatawag na "WinRi" ang kaniyang tandem.