MAY kalabuan ang litratong lumabas online kung saan kasama si Sarah Geronimo ng pamilya ni Matteo Guidicelli na bumisita sa aktor sa Camp Tecson, kung saan kasalukuyang nagte-training si Matteo kasama ang Scout Rangers.
May kuha sina Sarah at Matteo na magkatabi, pero dahil malayo ang kuha, hindi masyadong kita. Ang makikita ay kalbo si Matteo habang nasa harap si Sarah at kausap naman ni Matteo ang ama.
Miss na miss na siguro ng pamilya niya at ni Sarah si Matteo. Habang nasa training kasi ay bawal gumamit ng celp phone, kaya hindi makausap ng aktor si Sarah at ang kanyang pamilya.
Mabuti na lang at malapit nang matapos ang 30-day training ni Matteo, at sometime in July, lalabas na siya sa Camp Tecson.
Nabanggit ni Matteo na paglabas niya sa kampo ay itutuloy niya ang paggawa ng full album under Viva Records, at ang pagre-release ng singles.
Kasama rin sa plano ni Matteo ang paggawa ng pelikula. Wish naman ng shippers nila ni Sarah na silang dalawa ang magkatambal sa said movie ng aktor.
-NITZ MIRALLES