July 29, 2026

Home BALITA

Sen. Kiko, bumoses na sa isyu ng Pax Silica

Sen. Kiko, bumoses na sa isyu ng Pax Silica
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), via MB

Naglabas na ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa pinaplanong pagtatayo ng AI data center sa Tarlac bilang bahagi ng Pax Silica Initiative ng US Department of State.

Maki-Balita: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica

Sa latest Facebook post ni Sen. Kiko nitong Miyerkules, Hulyo 29, inilatag niya ang posisyon niya sa naturang isyu.

Aniya, “Simple lang ang paninindigan ko sa Pax Silica: Kung makakatulong itong palakasin ang industriyang Pilipino habang pinoprotektahan ang mga komunidad at kalikasan natin dito sa Pilipinas, nararapat lamang itong suportahan.”

“Pero kung ang kapalit ay ang muli at lalong panggigipit sa gipit na, at ang paggamit sa kalikasan nang walang sapat na safeguards, at para lamang may iilang limpak-limpak ang pakinabang, ‘yun ang hangganang hindi ko tatawirin,” dugtong pa ng senador.

National

MVP pag inalis ang system loss charges: 'It is not a small matter, who's going to pay for that?'

Matatandaang halos ganito rin ang tono ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa pinaplanong proyekto ng Amerika sa Pilipinas. Ayon sa kaniya, bago tuluyang itayo ang mga AI data center, kinakailangan muna ng tunay na konsultasyon sa mga komunidad at masusing pagsusuri sa epekto nito sa kalikasan.

Samantala, tahasan namang tinutulan ng grupo ng mga scientist ang Pax Silica. Sa katunayan, isa-isa nilang pinabulaanan ang mga pahayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kaugnay sa potensyal na epekto ng Pax Silica.

Maki-Balita: Masusing pag-aaral, konsultasyon, panawagan ni Rep. Diokno sa Pax Silica

Maki-Balita: Grupo ng mga scientist, inalmahan ang Pax Silica