July 29, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Apple David nanupalpal; jumowa lang ng bata, sinira daw image!

Apple David nanupalpal; jumowa lang ng bata, sinira daw image!
Photo courtesy: Apple David (FB)

Hindi pinalagpas ng kontrobersiyal na courtside reporter na si Apple David ang isang basher na umokray sa kaniya at ikinumpara siya sa ibang colleagues na may sariling pamilya o engaged na, pero siya ay nakipagrelasyon lang daw sa mas bata pa sa kaniya, at sinira daw ang kaniyang imahe.

Matatandaang naging usap-usapan at pinaulan ng kritisismo ang relasyon ni Apple, 33, sa 18-anyos na Letran Knights basketball player na si Chad Gammad.

Maki-Balita: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos

Maki-Balita: Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets

Nireshare kasi ni Apple ang Facebook post ni Chad habang pagwo-work out nila together ng boyfriend, at lambingan nilang dalawa habang nagmi-mirror selfie.

Tsika at Intriga

Doc Liza Ong, tatanggalan ng right breast: 'Kaya ko ito at lalabanan ko ito!'

Makikitang nasa likod ni Apple si Chad habang nakayakap sa kaniya.

Siyempre pa, umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga kinilig at naging masaya para sa kanila, pero sa kanilang banda, hindi pa rin nawala ang mga okray at paninita sa relasyon ng dalawa.

"Tigilan nyo yan, dami nyo nang sinaktan na inggiterat inggetero"

"Tantanan nyo na si Apple David, hayaan nyo na silang maging masaya, alam naman nya yung pinasok nya at yung consequences ng sitwasyon nila, if maging sila talaga till the end, then that's good. Pero if not, I'm sure ready din naman siya kung ano man yun. Let them enjoy their relationship."

"Ganyan pla mag gym need pla may kasama na tita hehe"

"Feeling 18 years old tayo malamang.. ganon siguro talaga kapag 30 plus to 40 plus ka na tatanda ka paurong."

"A 33 year old should know better, and 18 year old is also old enough to make decisions (but that doesn’t mean it’s good for them). For Chad, this experience can give him positive/negative experiences- it’s all gonna come back to his emotional maturity. If roles were reversed, this would be a nationwide outcry. Crazy stuff."

Pero sa lahat ng ito, isang basher ang hindi pinalagpas ni Apple at kinomentuhan.

Anang basher, "Ano kaya feeling ni Apple? yung mga colleagues niya may mga pamilya na, engaged, kinasal na tapos ikaw jumowa lang ng bata, sinira mo image mo just for something that is not even worth it."

Tugon naman ni Apple dito, "I'm sorry but who are you to say and decide if something is worth it or not for other people? to each their own."

Photo courtesy: Screenshot from Apple David (FB)

Bagay na sinegundahan naman ng mga tagasuporta ni Apple at rumesbak para sa kaniya.

"plus 1"

"don't mind them inggit lamu keka kc malagu ka ila machura la"

"lungkot buhay ng basher oh dba alang dp HAHAHAHAH dameng time nung rica. hahaha"

"don't mind them. Inggit lang sila because you're living your best life and they're not. As long as you happy, that's all that matters!"

"miss apple wag muna patulan mga ganyang tao wala ka mapapala sa kanila kung san ka masaya go lang"

Samantala, hindi na nagkomento pa ang basher at kung bibisitahin, naka-lock na ang profile nito at wala na ring display photo.