SA umpukan ng mga production staff sa GMA-7 ay napagkuwentuhan nila ang nangyari sa set ng programang Rosang Agimat kung saan kasama si Mr. Eddie Garcia na hanggang ngayon ay nasa critical condition sa Makati Medical Center.

Eddie

Trulili kaya na ang eksenang kinukunan si Tito Eddie bago siya napatid ng kable ay ikatlong beses na umanong pinaulit ni Direk Toto Natividad?

Ang sabi sa amin, “nagtataka nga bakit pinaulit ni Direk Toto, e, nakunan na ‘yun.”

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Sabi namin na baka kasi sa ibang anggulo naman kinunan ni Direk Toto? Kaya inulit, ganu’n kasi, para safe, kukuhanan nang isa pa.

May kinontak naman kaming kakilala sa GMA tungkol sa balitang tsinugi na raw umano ng management sina Direk Toto at ang executive producer ng show.

Sagot sa amin, “ayaw kong mag-comment diyan, alam mo naman. I’m sure maglalabas naman ng statement ang GMA.”

Nanatiling tikom ang mga bibig ng mga kinokontak namin na konektado sa programang Rosang Agimat at ang huling balita namin ay shelved na umano ang show.

“Baka as of now, kasi may imbestigasyong nangyayari,” saad naman ng kausap naming taga-Siyete.

Samantala, halos lahat ng supporters at kasamahan ni Tito Eddie sa showbiz bukod pa sa mga kapamilya’t kaibigan ay nanalangin para sa kanyang agarang paggaling.

Si Tito Eddie ang tinanghal na Best Actor sa nakaraang 2019 Gawad Urian Awards para sa pelikulang Martial Law (ML) na entry sa Cinemalaya 2018 na idinirek ni Benedict Mique.

-Reggee Bonoan