Nag-alay ng sweet message si Kapamilya singer-actor JK Labajo para sa anniversary nila ng girlfriend niyang si Dia Mate, isang beauty queen at singer.
Sa latest Facebook post ni JK nitong Miyerkules, Hulyo 29, ibinahagi niya ang na-realize niya nang dumating si Dia sa kaniyang buhay.
“Matagal ko na ring hinangad na matikman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. At nung dumating ka sa buhay ko, doon ko lang napagtanto na ang pagmamahal na nararapat sa akin ay IKAW,” saad ni JK.
Dagdag pa niya, “To my beautiful baby girl, my best friend, my ride or die, my superstar. Happy Anniversary! Mahal na mahal kita!”
Samantala, nagpaabot din naman ng pagbati si Dia para kay JK sa isang hiwalay na Facebook post.
Aniya, “Happy anniversary to my love [JK] I love you!”
Matatandaang 2024 nang unang magbahagi si JK ng sweet photo nila ni Dia. Lalong umugong ang usap-usapan tungkol sa namumuong relasyon ng dalawa nang batiin ni Dia si JK noong birthday nito.
Ngunit bago dumating si Dia sa buhay ni JK, limang taong nakarelasyon ng huli ang isa ring beauty queen na si Maureen Wroblewitz.