MAGBIBIGAY ng kasiyahan sa manonood ang performance ni Croatian professional dancer, rap artist at modelong si Marija Debelic sa MPBL Lakandula Cup opening ceremony ngayon sa MOA Arena.

MARIJA DEBELIC

MARIJA DEBELIC

“We want the opening to be special, so we invited world class performer and our good friend Marija to grace this event,” pahayag ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes.

Ang liga na itinatag ni Senator Manny Pacquiao ay ilulunsad ang ikatlong season na may nakaparadang 30 koponan.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Ipu-promote ng Ms. Pure Energy Marija ang kanyang unang single at unang Tagalog song “Ang Dame,” na isinulat ni Archie Malate at inareglo ni Deadkey. Ito rin ang una niyang pagkakataong makapag-perform sa isang basketball game.

“The song is like Adam Levine of Maroon 5’s ‘Girls Like You,’ but of course, very Filipino. I’m really proud of this work,” ani ng cum laude sa Economics and Business Management graduate mula Croatia.

Nagpe-perform si Marija sa mga music festival at mga kilalang club sa Pilipinas tulad ng Futureland Music Fest sa SM Mall of Asia, Cove, Okada, at iba pang venues.