MUKHANG magkakaroon ng kolaborasyon ang Pinoy rapper na si Quest at ang aspiring reggae singer na si Luke Baylon.
Nag-tweet si Quest nitong Biyernes ng larawan niya kasama si Luke at may caption itong: “Exciting times are up ahead. Ready na kami guys.”
Kahit wala pang inilalabas na mga detalye, maaaring ito na ang tyansa ni Luke makilala at sumikat matapos na hindi makapasa sa Idol Philippines audition.
Kilala si Quest, tunay na pangalan ay Jose Villanueva III, sa mga kanyang hits na Sige Lang at Walang Hanggan. Nakipagkolaborasyon na rin siya sa battle rap emcee at rapper na si Loonie sa awiting Tao Lang noong 2013.
Nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizen at local artists ang hindi pagkakapasa ni Luke sa nasabing talent show, kung saan kinanta niya ang reggae version ng If I Ain’t Got You ni Alicia Keys.
Lahat ng tatlong hurado - James Reid, Moira Dela Torre, at Vice Ganda – ay bumotong “no” para sa reggae singer habang si Regine Velasquez-Alcasid lamang ang bumotong “yes.”
Sabi ni James, kahit na may talent si Luke, ay naghahanap sila ng “complete package” kaya hindi nila pinayagang makapasa sa next round ang aspiring singer. Aniya pa, Luke “was not ready yet.”
Samantala, nagpahayag naman ng saloobin hinggil sa nasabing isyu ang dating The Voice Kids PH alumnus at juan karlos vocalist na si JK Labajo, aniya, siya ay “ashamed” sa mga naging reaksyon ng mga hurado
-CARLO ANOLIN