July 29, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Yayo Aguila, hiwalay na sa jowa!

Yayo Aguila, hiwalay na sa jowa!
Photo Courtesy: Yayo Aguila (IG)

Kinumpirma na umano ng beteranang aktres na si Yayo Aguila na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Melvin Viceral. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Hulyo 29, isiniwalat umano ni Yayo ang tungkol sa estado ng relasyon niya nang bumisita siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hulyo 28.

Gayunman, hindi raw sinabi ng aktres ang rason sa likod ng breakup.

Sa parehong panayam, ibinahagi ni Yayo ang pananaw niya tungkol sa kasal. Sabi niya, "Pwede ka namang maging masaya with your partner kahit na hindi kayo ikasal."

Matatandaang kamakailan lang ay puring-puri pa ni Yayo si Melvin dahil sa trato nito sa kaniya.

Relasyon at Hiwalayan

JK Labajo, natikman na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig

“Napagluto niya ako, nilinisan niya ‘yong kotse ko, lahat! Pinagsisilbihan ako," saad ni Yayo.

Samantala, hindi naman itinanggi ng aktres na may adjustment pa rin umano sa relasyon nilang dalawa.

Aniya, “Five years na kami pero may moments talaga na nag-a-adjust pa rin kami, kasi nga ang tagal kong sanay mag-isa. So, sanay akong ako ang gumagawa ng lahat. Walang nagdidikta sa akin."

Bago kasi dumating si Melvin sa buhay ni Yayo, higit isang dekadang nakasama ng huli ang estranged husband nitong si William Martinez.

Nagtapos ang relasyon ng dalawa kasunod ng pagsali ni Yayo sa "Pinoy Big Brother" noong 2007.