NAG-LAUNCHING na ng kanyang self-titled album ang PMPC New Female Recording Artist Of The Year 2018 na si Rayantha Leigh.
Nakilala sa kanyang single na Laging Ikaw, from Ivory Records, out na nga ang first album ni Rayantha, na may carrier single na Nahuhulog. Nakapaloob din sa album ang mga awiting Pangako, Pag-Ibig Ba?, Wag Ka Nang Iiyak, I Will Be There, at Tuksuhan.
Nahulog na talaga ang damdamin nitong si Rayantha sa pagiging singer at dancer, at nitong May 10 ay bonggang-bongga ang kanyang album launch cum birthday party, na ginawa sa Le Reeve Events place, na yayamanin lang ang puwedeng maka-afford, sa true lang.
Kinse anyos na si Rayantha pero bawal pa raw siyang makipag-boyfriend, dahil focus muna daw siya sa kanyang singing career at sa pagho-host niya sa Bee Happy Go Lucky, isang youth-oriented show sa Channel 13 tuwing Sabado, 4:30 pm, kung saan co-hosts niya ang cutest duo na sina Kikay-Mikay.
Hanggang crush crush lang daw muna si Rayantha, and heard na ang tipo niyang lalaki ay si James Reid. Sey mo, Nadine Lustre? Hayaan mo na, crush lang naman.
And take note, bongga ang Rayantha, coz may international events na siya, gaya sa Hong Kong sa June 16, 2019; at international concert sa Tokyo, Japan sa December 8, 2019.
Tipong namana ni Rayantha ang kanyang good singing voice sa kanyang Daddy, dahil kumanta rin ang huli sa ginanap na album launch niya, habang artistahin naman ang Mommy niya, in pernes. Pak, ganern!
Bukod nga pala sa pagiging singer, product endorser/model na rin si Rayantha ng Erase Beauty Products, YSA Skin and Body Expert, H&M makeover salon, Switch Limited clothes at Halimuyak perfumes.
Oh, devah, abot-kamay na niya ang tagumpay, sooner than soon, ha!
Well, good luck pa more, Rayantha Leigh, sa iyong singing and showbiz career! ‘Yun na!
-MERCY LEJARDE