HINDI maamin ng producer at direktor na nabigla sila nang kunin ang isang personalidad para sa project nila. Dream kasi nilang makatrabaho ito, lalo’t marami ring nagsabi na kunin nila ang serbisyo ng celebrity dahil nga sikat at mabenta raw ito sa masa.
At dahil sikat ang personalidad, natural mahal ang talent fee na sinabi sa kanila. Pikit-mata nilang pinapirma ng kontrata ang personalidad, at baka raw kasi magbago ang isip.
“Natawa nga ako, hindi ba dapat ang magbago ng isip sina produ at direk? Kasi si (personalidad) mataas ang presyong ibinigay niya, bakit magbabago pa isip?” tumatawang kuwento sa amin ng aming source.
Sa madaling salita, okay na. Nakapag shoot na, lumabas na ang teaser ng project at excited ang fans ng personalidad, kasi nga mapapanood na nila ulit ang idolo nila.
Ending, hindi nabawi ng producer ang inilabas niyang pera at maging ang direktor ay nalungkot nang husto.
“Hindi tuloy alam ng producer kung paano niya babawiin ang ibinayad na talent fee kay (personalidad), kasi mas mahal ang TF kaysa sa nagastos sa project,” say pa ng source.
Maraming negosyo ang producer kaya posibleng sa mga ito na lang niya babawiin ang malaking perang nalugi niya sa personalidad.
Hirit pa ng aming source: “Hindi naman pangmasa si (personalidad), akala lang nila.”
-Reggee Bonoan