NITONG mga nakaraang linggo, nabahala ang ilang supporters ni John Lloyd Cruz dahil sa mga litratong posts niya sa social media ay ‘tila laging nagsosolo lang siya, at hindi kasama ang karelasyong si Ellen Adarna.
Naghinala tuloy ang ilang netizens na baka nagkakalabuan ang mag-partner, dahil spotted nga ang aktor na mag-isa sa kanyang mga nakaraang lakad.
Una na rito ang sightings kay John Lloyd sa Lanao del Sur noong April 17, kung saan dinalaw raw ng aktor ang kanyang best friend na dating vice mayor doon.
Pangalawa, ang pagbisita ni Lloydie sa Cagayan de Oro City nitong Sabado de Gloria, April 20.
Pangatlo, ang pamamasyal niya kasama ang ilang non-showbiz friends sa isang adventure and nature park sa Bukidnon.
Noong April 25, nailathala sa PEP ang ilang larawan ni Ellen na kuha sa Bali, Indonesia.
Sa mga lumabas na larawan, kasama ng aktres ang anak na si Elias Modesto at ilang kaibigan.
Pero sa bagong post ni Lloydie, ‘tila tinuldukan niya ang hinala ng ilan na nagkakalabuan na sila ni Ellen. Nag-post ng mga bagong photos ang aktor na magkasama sila sa pagbabakasyon sa Bali, Indonesia.
Nitong nakaraang gabi rin, nag-post ang ilang kaibigan ni Ellen sa kani-kanilang Instagram Stories, at makikita sa group photos na kasama nila si John Lloyd.
Ha l a t a n g b a g o a n g mga larawan dahil walang ipinagkaiba ang hitsura ni John Lloyd sa mga larawan niya sa Lanao del Sur, Cagayan de Oro, at Bukidnon. Mahaba pa rin ang buhok at balbas-sarado pa rin ang aktor.
Naka - l e ave pa r in s a showbiz si John Lloyd, matapos niyang piliin ang simpleng buhay kasama si Ellen at ang kanilang anak.
-ADOR V. SALUTA