July 30, 2026

Home BALITA National

'Taken out of context!' VP Sara, sinita news outlet dahil sa 'spliced at misleading video' tungkol sa kaniya

'Taken out of context!' VP Sara, sinita news outlet dahil sa 'spliced at misleading video' tungkol sa kaniya
Photo courtesy: Screenshots from Alvin & Tourism (FB)

Sinita at nanawagan si Vice President Sara Duterte sa pamunuan ng lokal na online tabloid newspaper na pairalin ang responsableng pamamahayag matapos niyang akusahan ang news organization ng paglalathala ng isang umano’y “deliberately spliced and misleading” o sadyang inedit at mapanlinlang na video ng kaniyang talumpati.

Sa inilabas na pahayag nitong Huwebes, Hulyo 30, sinabi ni VP Sara na ang video na inilathala noong Hulyo 29 sa opisyal na social media platforms ng nabanggit na news outlet ay kumuha lamang umano ng isang bahagi ng kaniyang talumpati sa labas ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Duterte, ang naturang video ay nagtanggal umano ng mahahalagang bahagi ng kaniyang paliwanag kaya nagbigay ito ng maling impresyon sa publiko.

Tungkol ang talumpati sa sinabi niyang sa halagang ₱5,000, puwede nang makapag-hire ng gunmen sa Pilipinas, bilang halimbawa ng "extra-judicial killing" at hindi ang "drug war" ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, ganoon daw katalamak ang gun violence sa bansa.

Maki-Balita: VP Sara, tumiradang ₱5k lang mag-hire ng gunman sa Pilipinas!

National

Sen. Erwin, kinuwestiyon kung ikalulugi ng electric utilities pagtanggal ng system loss

Iginiit din niya na ang paghiwalay sa isang pangungusap mula sa kaniyang talumpati nang hindi isinasama ang kasunod na paliwanag ay nagresulta umano sa isang headline na hindi naaayon sa tunay na diwa at konteksto ng kanyang sinabi.

"I call the attention of the editorial and social media departments of Abante regarding the publication, on 29 July 2026, of a deliberately spliced and misleading video of my speech on the news organization's official social media platforms," aniya.

In the published material, accompanied by the caption, 'I CAN HIRE A GUNMAN FOR ₱5,000,' Abante extracted and isolated a single statement from my speech delivered outside the International Criminal Court (ICC) detention facility in The Hague on 29 July 2026."

“The circulating post is a clear example of a statement being taken out of context and presented in a misleading manner to generate public outrage and online engagement at the expense of accuracy and responsible journalism,” ayon sa pahayag ng Bise Presidente.

Dahil dito, nanawagan si Duterte sa Abante na panatilihin ang mataas na pamantayan ng pamamahayag.

“I call on Abante to uphold the highest standards of responsible journalism by ensuring that its reporting is fair, contextual, and accurate, and by refraining from publishing materials that, through selective editing or sensational presentation, risk misleading the Filipino public,” aniya.

Binigyang-diin din ng Bise Presidente na nararapat lamang na makatanggap ang publiko ng tapat, patas, at may kontekstong pagbabalita.

“The Filipino people deserve journalism that informs truthfully, reports responsibly, and presents facts in their proper context. Public discourse is strengthened not by sensationalism, but by integrity, fairness, and respect for the truth,” saad ni Duterte.

Sa oras ng pagsulat ng balitang ito, wala pang inilalabas na opisyal na tugon ang pamunuan ng nabanggit na pahayagan kaugnay sa pahayag ng Bise Presidente.