Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa madali lang daw na pag-hire ng “gunman” sa halagang ₱5,000 sa Pilipinas.
Matatandaang nadidiin ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity dahil sa umano’y EJK na naganap sa pag-iimplementa nila ng programang Oplan Tokhang o War on Drugs noong nakaraang administrasyon.
KAUGNAY NA BALITA: 'Whether good or bad:' VP Sara, idiniing 'di crimes against humanity 'Drug War' ni FPRRD!
Sa naging pahayag ni VP Sara sa pagdalo niya sa ikinasang “Free Duterte” rally ng Filipino community (FilCom) sa The Hague, Netherlands, noong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, hinalimbawa niyang kung tutuusin daw, kaya umano niyang mag-hire ng gunman sa murang halagang ₱5,000 kung halimbawang malalaman daw niyang may kabit ang kaniyang mister.
Aniya, ganito raw kalala ang kaso ng karahasan ng pamamaril sa Pilipinas at iyon daw ang kahulugan ng EJK, kaya raw paano sasabihin ng publiko na totoong biktima umano ng giyera kontra droga ang lahat ng nakalista laban kay FPRRD.
“I have a husband, my husband has a mistress, I can hire a gunman for ₱5,000 to kill the mistress… It is how bad gun violence in the Philippines is. And that is, again, yes, EJK,” pagbibigay-halimbawa niya.
Dagdag pa niya, “So how can you say that all your listed victims, all your listed complainants, are supposed victims of the Drug War?”
Pangangatwiran ni VP Sara, maaari lang daw maging krimen na may kaugnayan sa relasyon o literal kaso ng holdap ang ilan sa mga pangyayaring nakakaladkad sa usapin ng giyera kontra droga,
“It can be that it is a crime against passion. It can be murder because of a third party in a relationship. It can be a plain holdup,” aniya.
“So how can they say now that all the victims there are victims of the Drug War that is supposed to be a crime against humanity?” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Ang ICC ay tuta ni Trillanes at ni Marcos!'—VP Sara