ANG bayan ng Binangonan, Rizal ay maituturing na mayaman sa kultura at tradisyon. Isang kaugaliang ‘di kinalimutan ng mga taga-Binangonan sa paggugunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Barangay Libid, na katatagpuan ng Kalbaryo na lalong pinaayos at pinaganda. Ito ay nagsisilbing pasyalan ng mga lokal at dayuhang turistang nagsasadya dito para sa siyam na araw na panalangin (lutrina) bilang parangal sa Krus.

pauline at manolo

Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga Kastila sa bansa at naging tradisyon ng Pinoy.

At dahil sa idaraos na pagdiriwang, labinlimang naggagandahang mga dilag ang lumahok sa kauna-unahang Inter Barangay Reyna Santacruzan na gaganapin sa Mayo 4, 2019 sa ganap na 7:00 ng gabi. Kapapalooban din ng nasabing pagdiriwang ang Grand Santacruzan sa May 5.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Tampok din sa nasabing selebrasyon ang Kapuso star na si Pauline Mendoza na magiging Reyna Elena. Kasama din ang matinee idol na si Manolo Pedrosa ng Inagaw na Bituin afternoon serye ng GMA Network bilang konsorte ni Nicole Rivera Ubiadas, Reyna Emperatriz at Lamba Mendoza bilang Reyna sa umagang prusisyon kasama din si Miggy Doblada, na Konsorte naman ni Pauline.

Gagamitin nila ang gown at barong tagalong na nilikha nina Roma Sison Ulang at Michael Ponce at Angel Laurente, Makeup Artist. Lalakuhan din ito ng mga piling dilag ng nasabing bayan na pangungunahan ng mga nagwaging M. and Ms. Teen Binangonan. Ito ay gaganapin sa Mayo 5, 2019, 7:00 pm.

Panata ang turing sa Santacruzan na ayon kay friendship Gomer O. Celestial, project coordinator ng Santacruzan, ay tampok sa Pistang Krus sa Bgy. Libid. Ang Santacruzan na nabanggit ay sa pamamahala ng Sangguniang Barangay at SK ng Libid sa pamamahala nina Barangay Chairman Gil “AGA” Anore, Kgd. Jenny Lyn Villegas, Chairman on Education, Culture and Tourism, Ronaldo Cervo, Glenn Fineza, Vergel Francisco, Noel Olivia, Rico Celestial, Kenrich Guanez, mga kagawad at Paulo V. Anore, SK Chairman.

-Mercy Lejarde