IDO-DONATE ng apat na taong gulang na si Scarlet Snow Belo ang kikitain ng kanyang My First Prayer Book, sa Right Start PH.

Scarlet copy

Sa murang edad, maagang nakipagtulungan si Scarlet Snow sa Right Start Community Development, Inc., isang organisasyon para sa mga underprivileged Filipino children, bilang pagdiriwang sa kanyang ikaapat na kaarawan.

Sa kanyang My First Prayer Book, tampok ang koleksyon ng mga istorya at dasal na may mga larawan at guhit para magabayan ang mga batang gaya niya na simulan ang kanilang buhay sa tulong ng gabay ng Diyos.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Kinapapalooban din ito ng tips ng mga magulang ni Scarlet na sina Hayden Kho at Vicki Belo para sa mga magulang na gaya nila, ng mga paraan ng pagtuturo sa kanilang mga anak ng pagdarasal. Ido-donate ng Belo-Kho family ang 100% ng kita ng libro sa Right Start Center, ang lugar para sa mga batang nasa marginalized sector ng komunidad, na nagsasagawa rin ng iba’t ibang mission work para palaganapin ang Salita ng Diyos.

-Manila Bulletin Entertainment