PAGSASAMA-SAMAHIN ng The Filipino Channel (TFC) ang tatlo sa pinakamagagaling na OPM artists sa isang concert sa Dubai, UAE ngayong Biyernes.
Magtatanghal sa Dubai World Trade Center ang singer-songwriter and It’s Showtime’s “Tawag Ng Tanghalan” hurado na si Ogie Alcasid, ang singer-actor na si Piolo Pascual, at ang Asia’s Phoenix na si Morissette Amon via OPM Overload, this April 5.
Tatlong artists, magkakaibang istilo sa pagkanta, ang magsasama-sama sa isang stage para sa isang weekend na puno ng world-class music, na mas magiging espesyal pa kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Mapapakanta at muling mai-in love ang marami kapag si Ogie na ang nasa stage para awitin ang kanyang chart-topping hits.
Marami naman ang mapapangiti sa kilig dahil sa panghaharana ng heartthrob na si Piolo.
Sigurado namang marami ang huhugot dahil magbabalik si Morissette sa Middle East para muling awitin ang ilan sa kanyang hit singles, na sasamahan pa ng mga sikat na kanta ngayon na bibigyan niya ng sariling rendition.
Mabibili online ang tickets para sa OPM Overload, sa tickets.virginmegastore.me/ae, o sa mga sumusunod na Virgin Megastore branches: Deira City Centre, Dubai Mall, Mall of the Emirates, Mercato Mall, Mirdif City Centre, Arabian Ranches 2, Sahara Centre, Abu Dhabi Mall, Yas Mall, Al Wahda Mall, at Al Jim Mall.
Maaari ring makabili sa Zoom Metro Station branches: Deira City Centre, Burjuman Centre, Union, Al Rigga, ADCB, Al Jafiliya, Noor Bank, Rashidiya, Dubai Mall, MOE, IBN Batuta, AbuBaker Al Siddique, at OUD Metha.
Mayroon ding tickets sa mga restaurant partners: Carinderia ni Tandang Sora in Centurion Tower, Uling at Parilya in Al Satwa, at Off the Hook sa Centurion Tower.
-Ador V. Saluta