SA katatapos na show ng FilDreamers workshoppers sa SM EDSA SkyDome, naging gue s t ang Kikay-Mikay duo at ang binatilyong singer na si Bamboo B.

Bamboo B. at Mikay copy

S i n a Mi k a y a t Bamboo ang sinasabing youngest tandem sa showbiz industry coz pagtatambalin sila sa isang indie film, or advocacy film, ni Direk Jigz Recto sooner than soon.

Parehong 13 years old ang dalawa at nasa early teens, kaya nagbigay-daan naman sa kanila ang ka-duo ni Mikay na si Kikay, na 10 years old pa lang, going on 11 years old, kaya hindi pa masasabing teenager na at hindi rin puwedeng gawing love triangle sila.

Tsika at Intriga

Sparkle, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol kay Kyline Alcantara

Pero ‘yun nga, naisipan ni Yours Truly na gawing youngest tandem ang Mikay at Bamboo, na tatawaging MikBam.

Pinapili ni Yours Truly ang dalawa kung sino sa mga millenial love teams natin ngayon ang kanilang paborito at gusto nilang gayahin, ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ), JaDine ( James Reid at Nadine Lustre ) or LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) ba?

“KathNiel” pareho ang sagot nila.

Bakit ang KathNiel ang kanilang pinili?

“Kasi po, pareho silang walang ginagawang mali. Then parang inaantay po nila ang tamang age para magkatuluyan sila in real life,” sagot ni Bamboo B.

Eh si Mikay?

“Pinili ko po sila dahil pareho po silang magaling lalo na po sa acting and idolo ko rin po sila,” sey ni Mikay.

Ano naman ang gusto nila sa isa’t isa, dahil kumportable sila kaagad kapag nagkakasama s a m g a e v e n t s ? “Si Bamboo po kasi napaka-talented niya po at his age. Saka mabait din po siya sa akin,” sabi ni Mikay.

“Si Mikay po magaling pong sumayaw then magaling din magsalita sa stage,” ani Bamboo B.

Crush ba nila ang isa’t isa?

Pareho lang napangiti in their broadway smile ang dalawa.

O, siya, avoid muna ‘yang crush-crush, ha? Focus muna sila sa kanilang showbiz career.

“Opo, kasi po tipong parang unique dahil kami po ang sinasabing youngest love team of all time,” sabi ni Bamboo B.

“Siyempre po. At proud po kami na masabing youngest love team of all time dito sa showbiz industry natin,” hirit naman ni Mikay.

K, noted. So shall we say, move over a little, KathNiel, and enter MikBam. ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE