KASAMA na rin sa cast ng Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards si Maymay Entrata. Pangalawa siya kay Joross Gamboa na nalamang kasama s a pelikula, na wala pa ring title, at ang malaking bahagi ay kukunan sa Hong Kong.
Sa in-upload na video ni Roxy Liquigan, makikita ang tuwang-tuwang si Maymay na ibinalitang kasama s iya sa pel ikula. May kasama pang p a l a k p a k a n g pages-share niya sa magandang balita.
“ Sobr a akong excited na makasama sa movie sina Miss K a t h r y n a t S i r Alden. Kahit support lang ako ni Miss Kathy, masaya ako, kakaibang support ako. Maraming salamat, Direk Cathy,” sabi ni Maymay, tinukoy si Direk Cathy Garcia-Molina.
Lilipad din pa-Hong Kong si Maymay, at gaya nina Kathryn at Alden, three weeks din siya sa Hong Kong.
Sasabihin na sana ni Maymay ang kanyang role, pero pinigil siya ni Roxy.
Sa mga susunod na araw, malalaman natin ang iba pang cast na makakasama sa pelikulang inaabangan na ang title.
-NITZ MIRALLES