MALALAKI at mala-pelikula ang production na ginagawa ng TAPE, Inc. para sa taunan nitong Eat Bulaga Lenten Special. Nasa ika-40 taon na ito ngayon sa pagbibigay ng inspiring stories tuwing Holy Monday, Holy Tuesday, at Holy Wednesday, na ginagampanan ng Dabarkads at mga special guests, since 1979.
Mapapanood ito sa loob ng two and a half hours.
Pabalik na sa bansa ang grupo ni Bossing Vic Sotto, na sa Japan nag-shoot ng kanilang episode. Kasama niya sa cast sina Pauleen Luna, Allan K, Luanne Dy, Jose Manalo, Ryzza Mae Dizon, at Jimmy Santos.
Nakatakda namang umalis ngayong Saturday, after ng Eat Bulaga, si Maine Mendoza para sa episode nila na kukunan ang kabuuan sa Mountain Province. Bukod kay Maine, tampok din sa nasabing episode sina Senator Tito Sotto, Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Maureen Wroblewitz, at Paolo Ballesteros.
Samantala, mauuna nang magkaroon ng summer special ang sitcom nina Bossing Vic at Maine na Daddy’s Gurl. After ng 24th birthday ni Maine last March 2, nag-taping na si Maine at ang buong cast ng sitcom sa isang beach sa San Juan, Batangas.
At ngayong gabi, mapapanood na ang first part ng summer special, na mapupuno ng kababalaghan, katatakutan, at katatawanan.
Pumunta roon si Stacy (Maine) at ang mga kaopisina niya para sa isang team-building, pero katatakutan ang naranasan nila. Alamin kung ano ang character na gagampanan ng special guest nila, ang sexy actress na si Sanya Lopez?
Sa direksiyon ni Chris Martinez, napapanood ang Daddy’s Gurl every Saturday, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.
-NORA V. CALDERON