INIALAY ni Bianca Umali ang pagtatapos niya ng senior high school sa kanyang lola.
Nag-post si Bianca: “Mama, my superhero, this is for you.”Mama ang tawag ng aktres sa lola niya na nagpalaki at nag-aruga sa kanya simula nang magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang.
Sa isang interview noon, nabanggit ni Bianca na ang lola niya ang kasama niya sa bahay, kasama ang kanyang mga pinsan, kaya kahit wala na ang mga magulang, hindi siya nalulungkot.
Anyway, nag-graduate ng high school kamakailan si Bianca sa Veritas Catholic School sa Parañaque City. Kita ang saya sa mukha ng bida ng Sahaya habang nagmamartsa papuntang stage para tanggapin ang kanyang diploma.
Hindi raw muna papasok sa college si Bianca habang iniisip pa niyang mabuti kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo. Magpu-focus muna siya sa kanyang showbiz career at sa Sahaya, na umaani ngayon ng papuri.
Bagay daw kay Bianca ang role niya sa Sahaya, at hindi nagkamali ang GMA-7 na sa kanya ibigay ang project, dahil nagagampanan niya nang mahusay ang role ng dalagang Badjao na nagsikap mag-aral para mabago ang kanyang buhay.
-Nitz Miralles