NAKILALA si Ion Perez bilang “Kuya Escort” sa It’s Showtime, at kinilala siya kamakailan bilang isa sa 60 hot bachelors ng isang magazine.

Ion at Vice

Sumali sa mga male pageant, maraming uri ng trabaho ang pinasukan ni Ion para matulungan ang kanilang pamilya. For the record, fifteen silang magkakapatid.

Pero ngayon ay nakakatikim na ng kaunting ginhawa ang pamilya ni Ion, lalo na dahil unti-unti na siyang nakikilala sa telebisyon, particularly sa It’s Showtime. Malaking bagay din ang suportang ibinigay sa kanya ni Vice Ganda, na lagi niyang kaeksena sa isang segment ng noontime show, at may anggulo kilig pa nga sa kanilang dalawa.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

May kilig na dulot sa viewers ang working relationship nina Vice at Ion, na “lovey dovey” ang isa. May mga pahiwatig nga na si Ion ang ipinalit ni Vice sa iniuugnay sa kanya last year na si Calvin Abueva.

Sa isang episode ng Gandang Gabi Vice, habang kausap ang guest niyang si Angelica Panganiban, inamin ni Vice na may karelasyon na siya sa nakalipas na four months. Naghinala naman ang marami na si Ion ang tinutukoy ng komedyante.

May nagsasabi namang gimmick lang ang closeness nina Ion at Vice para mapag-usapan at ma-maintain ang ratings ng It’s Showtime.

-Remy Umerez