CEBU CITY – Inilipat sa kustodiya ng social welfare and development office (SWDO) ang 17-anyos na suspek sa pamamaslang sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan, sa Lapu-Lapu City, kamakailan.

SILAWAN

Paliwanag ni Atty. Vincent Isles, kinuha muna nito ang kanyang kliyente sa safehouse at dinala muna sa pangangalaga ng SWDO dahil na rin sa seguridad, kaninang umaga.

“It was the prosecutor who convinced the boy’s mother to return her son to the custody of social workers for security reasons,” ayon sa abugado.

Eleksyon

'Vote straight sa Alyansa, panawagan ni Mayor Abby Binay: 'Kailangan ikakampanya lahat!'

Ang hakbang ni Isles ay kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling arestuhin ang nasabing suspek.

-Calvin D. Cordova