MAAYOS na natapos ang awards ceremony ng 50th Box Office Entertainment Awards last Sunday, March 24, sa Star Theatre, sa Star City. Narito ang ilang sidelights sa nasabing awards night hosted by Kim Chiu, Enchong Dee, Jerome Ponce, Elisse Joson at Jodi Sta. Maria.

Marian copy

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang itinampok na Phenomenal Stars of Philippine Cinema, bukod doon, sila rin at ang buong production ng movie nilang The Hows of Us ay binigyan ng Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All-Time.

Ang Box Office Queen na si Maine Mendoza lamang ang dumalo, wala ang kanyang mga Box Office Kings na sina Vic Sotto (na nasa HongKong at nagti-taping ng kanilang Lenten Special for Eat Bulaga) at wala rin si Coco Martin, pero pareho sila ni Bossing Vic na nagpadala ng taped thank you messages. On her way palabas ng venue, nadaanan ni Maine sina Daniel at Kathryn at parehong tumayo ang dalawa para mag-beso kay Maine.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Maagang tinanggap ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang Bert Marcelo Lifetime Achievement Award. Kabuwanan na raw niya, naroon pa rin siya. Nagpasalamat si Marian sa kanyang acceptance speech at ibinahagi niya na sa rami ng nagawa niyang pelikula at teleserye, ay pangarap niyang gumanap bilang isang ina. Three years ago, ibinigay daw sa kanya iyong role na iyon nang isilang niya ang panganay nila ng asawang si Dingdong Dantes, si Letizia. At ngayon, may kasunod na, dahil isisilang na niya ang pangalawa nilang baby.

Sa tatlong pinarangalan ng gabing iyon na mga icons ng Philippine Cinema, sina Eddie Garcia at Ms. Gloria Romero na binigyan ng Golden Jury Awards at All-Time Favorite Actor and Actress of All Time at ang Corazon Samaniego Lifetime Achievement Awardee na si Ms. Nora Aunor, tanging si Eddie Garcia lamang ang nakarating. Si Ms. Romero ay ipinasok sa ospital para sa vertigo nito at si Ms. Aunor naman ay ipinasok din ng ospital dahil sa pananakit ng paa. Ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid ang nagtanghal sa gabi ng parangal at sila rin ang tumanggap ng Male and Female Concert Performer of the Year.

Tinanggap naman ni Judy Ann Santos ang kanyang unang Comedy Actress Award sa pagganap nila ni Angelica Panganiban sa Mr. & Mrs. Reyes, pero hindi nakarating si Angelica na winner din. Napili ring Best Dressed Celebrity of the Night si Juday at bukod sa gifts and flowers, may P25,000 cash prize din siyang tinanggap.

Pinaka-excited si Jo Berry dahil sa first acting award niya as Most Promising Female Star for Television sa pagganap niya sa Onanay.

Na-excite din si Ken Chan dahil bukod sa kanyang TV Actor of the Year Daytime Drama award for My Special Tatay, ay panalo rin ang kanilang soap as Popular Daytime Drama.

Produced by Airtime Marketing Inc. ni Tessie Celestino ang 50th Box Office Entertainment Awards. Mapapanood ang kabuan ng awards night sa Sunday, March

-NORA V. CALDERON